Walang nakikitang isyu si Pangulong Rodrigo Duterte sa pondong ibinigay sa Philippine International Trading Corporation (PITC) para sa government purchases.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pondo sa state corporation ay hindi nakatengga pero nasa ilalim ng iba’t ibang procurement stages.
Sinabi ni Roque na inaasahang ire-review ng economic team ang mga nakabinbing proyekto sa PITC.
Una nang inatasan ng Department of Finance (DOF) ang Department of Trade and Industry (DTI) na ibalik ang interest income ng PITC sa Bureau of Treasury bilang dagdag pondo sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ang PITC ay attached corporation ng DTI na siyang nangangasiwa ng goods at services para sa state agencies.
Facebook Comments