Cauayan City – Nakatakdang bumisita sa lalawigan ng Isabela ngayong araw, ika-22 ng Nobyembre si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa lugar na bibisitahin ng Pangulo ay ang bayan ng Cabagan at Lungsod ng Ilagan.
Una nitong bibisita sa bayan ng Cabagan upang personal na ihandog ang Certificate of Land Ownership Award at Certificate of Condonation and Release of Mortgage sa mga benepisyaryo.
Sunod naman itong magtutungo sa Lungsod ng Ilagan upang pangunahan ang pamamahagi ng Presidential Assistance sa mga Magsasaka, Mangingisda, at sa pamilya ng mga ito.
Inaasahan naman ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga nabanggit na lugar kaugnay sa gagawing pagbisita ni PBBM.
Facebook Comments