Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., igiinit na magandang venue ang LEDAC meeting, para mailatag nang maayos ang legislative agenda sa mga mambabatas

Naniniwala ang Malacañang na mailalatag mabuti sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting ang legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng dalawang kapulungan.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz – Angeles, maitotono sa LEDAC meeting ang target na mga panukala na gusto maging batas ng pangulo.

Paliwanag ni Angeles kung may nai-veto man na mga panukalang batas ang pangulo, dapat aniyang alalahanin na ang mga naihaing bill na nai-veto ay nai-file noong panahon ng nakaraang administrasyon.


Maaaring pasok aniya sa criteria ng nakaraang administrasyon ang mga naipasang panukalang batas na naihain sa kanilang panahon pero hindi aniya maiiwasang magkaroon na ng adjustment ngayong iba na ang pangulo ng bansa.

Giit pa ni Angeles na dapat tandaan ng publiko na bagong pasok lang si Pangulong Marcos Jr., sa pagkapresidente at ang mga panukalang batas na i-vineto ay ginawa noong hindi pa pangulo ang kasalukuyang chief executive.

Facebook Comments