Mga nasawi sa lindol sa Northern Luzon, sumampa na sa 11

40

Nadagdagan pa ng isa ang mga nasawi sa lindol sa Northern Luzon.

Batay sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang nasawi sa lindol.

10 sa mga nasawi galing sa Cordillera habang 1 naman sa Region 1.


Samantala, nananatili naman sa 410 ang kumpirmadong nasaktan sa lindol.

Ayon pa sa NDRRMC, umakyat na sa 119, 730 na pamilya o katumbas ng 448, 990 ang indibidwal ang apektado ng lindol.

Facebook Comments