Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nais nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese President Xi Jinping na muling pag-usapan ang posibleng joint exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, nais ng dalawang lider na magkaroon ng negosasyon sa isyu ng oil at gas sa sa pinagtatalunang teritoryo.
Sinabi naman ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na handa si Pangulong Marcos sa aktibong konsultasyon.
Matatandaang hindi natuloy sa ilalim ng Duterte administration ang joint exploration talks sa Beijing.
Nilagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding noong 2018, pero hindi naisakatuparan ang target na pag-develop ng oil at gas resources sa WPS.
Facebook Comments