MSME’S NA LUMAHOK SA HYBRID NATIONAL TRADE FAIR, NAKAPAGTALA NG HIGIT 700K SALES

18
Nakapagtala ng nasa mahigit P700,000 na sales ang mga Micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa Isabela matapos lumahok sa katatapos lang na Hybrid National Trade Fair na ginanap sa Megatrade Halls 1-3, SM Megamall noong Nobyembre 16-20, 2022.

Labing isang MSMEs mula sa lalawigan na kinabibilangan ng Andrea’s Paper Beads, Bibsy Shop, Clockwise Furniture Shop, Indigenous Enabel Craft, Lapekto Lapel Paper Mache and Wooden Products International, Promdi Crafters Handicrafts Manufacturing, at RLGV Fruits and Wines ang buong pagmamalaki na ipinakita ang kanilang mga lokal na produkto sa naturang trade fair.

Bukod sa kanilang kinita, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga MSMES na ipakita ang kanilang mga kalakal sa mga industrial firms at institutional buyers na gustong bumili ng kanilang mga produkto para sa lokal at internasyonal na pag-export.

Ang 2022 Hybrid National Trade Fair, na may temang “Go Green, Go Lokal,” ay naglalayon na muling pasiglahin ang inisyatiba ng DTI na i-highlight ang ingenuity ng mga Filipino MSMEs.

Facebook Comments