Site inspection sa isang housing project sa Barangay Nangka, Marikina City ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mamayang hapon.
Schedule ng pangulo mamaya ang bisitahin ang proyektong pabahay na nasa ilalim ng “Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.”
Noong October 7 ng malagdaan ang Memorandum of Understanding o MOU para sa mega housing project sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng pamahalaang lungsod ng Marikina.
Ang proyekto ay bahagi ng una nang ipinangako ni Pangulong Marcos na makapagbigay ng anim na milyong bahay para sa mga Pilipino.
Bago ang site inspection ay nagkaroon muna rin ng aktibidad ang presidente kaninang umaga sa lungsod ng Taguig kung saan ay sinadya nito ang Small Medium Enterprise hub.