Mahigit sa ₱50 milyong halaga ng suspected shabu, nasabat sa isang babaeng Norwegian sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA – IADITG) ang isang babaeng Norwegian national matapos mahulihan ng mahigit sa ₱56 milyong ng iligal na droga sa NAIA Terminal 3.

Kinilala ang suspek na si Rose Alex Moi, 59 anyos, isang special psychiatrist, at residente ng 1363 Hovik, Norway.

Ayon sa NAIA-IADITG, dumating ang dayuhan sa NAIA sakay ng Emirates Flight EK 0334 mula Dubai.


Aabot naman sa mahigit 8 kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek na nagkakahalaga ng ₱56,712,000 na sinubukan pang itago sa pamamagitan ng duct tape.

Patuloy pa ang isinasagawang imbistigasyon ng mga awtoridad sa posibleng mga kasabwat ng suspek sa pagpupuslit ng kilo-kilong shabu papasok sa bansa.

Facebook Comments