Magsasagawa ng pre-departure briefing ang Department of Foreign Affairs (DFA) bukas ng umaga sa Malacañang.
Ito ay kaugnay sa nakatakdang biyahe ng pangulo sa Japan ngayong Linggo para dumalo sa 50th ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit na partikular na gagawin sa Tokyo, Japan.
Ang departure briefing ay regular na ginagawa ng DFA para bigyan ng ideya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magiging aktibidad nito sa mga foreign trip.
Maging ang miyembro ng media, ay binibigyan rin ng pre-departure briefing pagkatapos ng pangulo bukas ng alas-9 ng umaga.
Batay sa anunsyo ng Malacañang, aalis ang Pangulong Marcos patungong Japan sa December 15 sakay ng Philippine Airlines 001 at magtatagal nang hanggang December 18, 2023.
Facebook Comments