Mga sundalong nagpapagaling sa V. Luna hospital, hinandugan ng regalo ng Philippine army

Binigyan ng regalo ng Philippine Army, ang mga sundalong nagpapagaling sa V. Luna Medical Center nitong Sabado.

Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido ang nasabing gift giving sa mga sundalo.

Maliban sa pamamahagi ng mga regalo, kinamusta rin niya ang mga ito isa-isa nang sa ganoon ay ma-boost ang kanilang morale ngayong holiday season.


Aniya, kahit malayo ang mga ito sa kani-kanilang mga mahal sa buhay ngayon Pasko ay nawa’y maramdaman pa rin nila ang diwa at saya ng Kapaskuhan.

Nagpasalamat din si Gen. Galido sa mga nurse, doktor at iba pang staff ng V. Luna hospital dahil sa kanilang dedikasyon sa bayan.

Nabatid na sa V. Luna hospital dinadala ang mga nasugatang sundalo mula sa kanilang paggampan ng kanilang misyon na protektahan at bigyang seguridad ang bansa.

Facebook Comments