Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bumisita sa National Orchid Garden; isa sa uri ng orchid ipinangalan sa Pangulo at first lady bilang tanda ng magandang relasyon ng Pilipinas ang Singapore

Ipinangalan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Marcos ang isa sa uri ng orchid sa National Orchid Garden sa Singapore.

Ito ay matapos na bumisita ang Pangulo kanina sa National Orchid Garden na bahagi ng kanyang pangalawang araw na state visit sa Singapore.

Ang uri ng orchid na ipinangalan sa pangulo at asawa niya ay Dendrobium Ferdinand Louise Marcos.


Ayon kay Whang Ley Keng, curator ng National Orchid Garden na ang lahat ng head of state na bumibisita sa kanilang lugar ay awtomatikong ipinapangalan ang isang magandang uri ng orchid.

Ito raw ay sumisimbolo ng magandang relasyon sa pagitan ng Singapore at Pilipinas.

Facebook Comments