Isang batalyon ng Philippine Army, tututok sa paghahabol sa nalalabing miyembro ng ASG

302

Isang batalyon ng Philippine Army ang tututok sa kampanya laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, pinuno ng 11th Infantry Division at Joint Task Force o JTF-Sulu, itinalaga si Lt. Col. Roland Arreola bilang pinuno ng binuong 104IB.

Sa kasalukuyan, sumasabak na ang 104IB sa organizational training kung saan inaasahang mas palalakasin pa ang kanilang hanay pagdating sa kapayapaan, seguridad, at development campaign.


Kasabay nito, hinamon ni Patrimonio ang mga kasapi ng batalyon na gampanan nang mabuti ang kanilang tungkulin at manatiling matatag sa harap ng mga nakaambang hamon sa pagtugis sa mga miyembro ng ASG.

Facebook Comments