Ikinukonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang muling pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa.
Dahil ito sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa loob ng eroplano, sinabi nito na kokonsultahin niya muna ang Inter-Agency Task Force at ang Department of Health kaugnay sa planong ito.
Sinabi pa ng pangulo na kinakailangan na magsagawa muli ng special vaccination sa mga bata para mabawasan ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-19.
Ayon sa pangulo, hindi maitatanggi na marami ang nahihirapan ngayon dahil sa matinding init ng panahon at sasabayan pa ng COVID kaya mas makabubuting paigtingin ang prevention.
Facebook Comments