Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inatasan ang PSC na tulungan ang track and field legend na si Lydia de Vega na nakikipaglaban sa stage 4 breast cancer

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Philippine Sports Commission (PSC) na tulungan ang track and field legend na si Lydia de Vega na nasa malubhang kalagayan ngayon dahil sa stage 4 breast cancer.

Ayon kay PSC OIC Guillermo Iroy Jr., na mahigpit ang utos ni Pangulong Marcos Jr., na ibigay ang kailangang suporta ni De Vega at pamilya nito ngayong nahaharap sila sa matinding pagsubok.

Dagdag pa ni Iroy, nalungkot ang pangulo na malaman kalagayan ni De Vega.


Na-diagnose si De Vega sa breast cancer noong 2018 at tahimik aniya nitong nilalabanan ang sakit sa loob ng apat na taon.

Ang 57 taong gulang na si De Vega ang Asia’s fastest woman noong dekada otsenta (80’s) at nakakuha rin ng dalawang Asian Games gold medals.

Facebook Comments