One Repatriation Command Center, kayang tumanggap ng hanggang 3,000 na tawag bawat araw – OWWA

47

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makaaasa ng tulong sa pamahalaan ang mga kaanak ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, kaya na kasing tumanggap ng 2,000 hanggang 3,000 tawag kada araw ang itinatag na One Repatriation Command Center (ORCC).

Maliban dito, may kinumisyon din ang OWWA na Business Process Outsource (BPO) na susuporta sa command center.


Dahil dito, kayang tumanggap ng sumbong o ulat ng ORCC hotline, 24 oras bawat araw kahit weekend o holiday.

Facebook Comments