Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpaabot ng pakikiramay kay South Korean President Yoon Suk-Yeol matapos ang naganap na hallowen stampede sa Itaewon

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay South Korean President Yoon Suk-yeol matapos ang naganap na halloween stampede sa Itaewon, South Korea na ikinasawi ng mahigit 150 katao.

Ginawa ng Pangulo ang pakikiramay sa ginawang niyang intervention sa ASEAN Republic of Korea summit.

Sinabi ng Pangulo, nakikiramay ang mga Pilipino sa mga taga-South Korea dahil sa nakakalungkot at nakakagulat na trahedya.


Samantala sa paguusap ng dalawang lider, nakakuha ng pagkakataon si Pangulong Marcos Jr., na magpasalamat kay South Korea President Yoon Suk-yeol dahil sa patuloy na pagprotekta sa kapakanan ng halos 50,000 Pilipino.

Ang 50,000 na mga Pilipinong ito ay kasalukuyang nakatira sa South Korea bilang estudyante, professionals, asawa o kaya ay empleyado.

Maging ang usapin sa renewable energy sources ay natalakay rin ng dalawang lider, kung saan ayon kay Pangulong Marcos Jr., umaasa siyang magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na makapag-explore ng mga oportunidad para sa technological cooperation kaugnay sa renewable energy resources sa Republic of Korea.

Sa ikalawang araw ng summit ng mga leaders ng ASEAN sa Cambodia ay nagkaroon ng dialouges sa pagitan ng China, the Republic of Korea at United Nations.

Facebook Comments