Humiling ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kongreso kaugnay sa pambansang pabahay para sa Pilipino Housing Project ng kanyang administrasyon.
Ang panawagan ng presidente sa mga mambabatas ay sana ay maisama sa regular appropriations ang housing program ng gobyerno.
Aniya, maisama na sana ng Kongreso sa mga susunod na taon na mapaglaanan ng pondo ang nasabing proyekto.
Ang hiling na ito ay ginawa ng pangulo sa harap ng commitment ng kanyang administrasyon na ipursige ang murang pabahay para sa mga Pilipino.
Maliban dito, ayon sa pangulo ay naghahanap sila ni Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng subsidy fund para sa government housing program na aabot sa isang bilyong piso.
Target ng Marcos administration na makapagpatayo ng anim na milyong tahanan hanggang 2028 o isang milyong bahay kada taon.