Pangulong Ferdinand Marcos Jr., paalis na ngayong araw patungong Washington D.C; 121st Labor Day Celebration, pinangunahan muna nito bago umalis

Aalis ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong Washington D.C Unites States of America para sa kanyang limang araw na official visit.

Alas-12:15 ngayong tanghali ang flight nang pangulo patungo Washington D.C kasama si First Lady Liza Araneta Marcos, ilang cabinet officials at economic team.

Pero bago ang pag-alis pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang pagbubukas ng ‘Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa” outlet nang nasa mahigit 150 businesses at sellers mula sa mga participating agencies gaya ng DOLE, DTI, DA at DSWD sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.


Pagkatapos nito ay pinangunahan rin nang pangulo ang selebrasyon ng 121st Labor Day sa parehong lugar.

Samantala, magtatagal ng 16 na oras ang byahe ng pangulo mula Pilipinas patungong Washington D.C.
+

Facebook Comments