Binisita mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isinasagawang bakunahan ng booster shot sa Pasig City Sports Complex.
Sa mensahe ng pangulo sinabi nitong nais nyang mas maraming Pilipino ang magpa-booster shot upang proteksyon sa COVID-19.
Ito ay sa harap na rin ng tumataas na naman kaso ng COVID-19.
Aniya sa ngayon hindi lang dapat mga bata o may mga comorbidity ang dapat na maturukan ng booster shot dapat aniya ay gawin na ito nang lahat.
Sinabi ng pangulo kagaya ng dati, dapat na mas mag-ingat, sundin ang mga health protocols, maghugas ng kamay, magsuot lang muna ng mask hanggang masabi aniya na ang Pilipinas ay COVID-free na.
Kaugnay nito, ayon kay pangulo kung ikukumpara noong August 2021 mas maayos na ang COVID situation ngayon sa bansa.