Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinangungunahan ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project

Screenshot from RTVM Facebook live

Nagpapatuloy ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon sa Ortigas at Shaw boulevard stations ng Metro Manila Subway Project.

Ito ay pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kakatapos lamang gawin ang lowering of time capsule at sake barrel ceremony hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon.


Inaasahan naman magbibigay ng talumpati ang pangulo.

Highlights ng buong Metro Manila subway project ay ang kauna-unahang underground railway system na tatakbo mula Valenzuela hanggang Bicutan o ang mahigit 33 kilometro na may 17 stations.

Ayon sa DOTr, kayang mag-accommodate ng mahigit 519,000 pasahero kada araw, mababawasan rin ang travel time mula Valenzuela hanggang Bicutan na aabot na lamang sa 45 minuto.

Dahil naman sa pagsisimula ng konstruksyon mamayang gabi, isasara ang portion ng Meralco Avenue sa Pasig City mula Capitol commons hanggang Shaw Boulevard hanggang 2028.

Ang Metro Manila Subway Project ay suportado sa pamamagitan ng pag-utang sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang tunnel ay bubuin gamit ang dalawang malalaking Tunnel Boring Machines o TBM mula Japan, na gagamitan ng technique na tinatawag na New Austrian Tunneling Method.

Ayon sa DOTr, bawat TBM ay gagamit ng 300 to 500 cubic meters of soil araw-araw at bubuo ng tunnel 9 to 12 meters ang haba kada araw, gagamitan raw ito ng rotating cutting wheels para mas mabilis mabungkal ang mga hard soil at bato.

Facebook Comments