Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinuportahan ang Gilas Pilipinas

Ipinarating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang suporta sa koponan ng bansa na Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifier Game laban sa Saudi Arabia.

Nanood mismo ang pangulo ng laban kaya naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad ng mga otoridad sa Mall of Asia Arena at sa paligid nito kagabi.

Ipinakita sa tv screen si Pangulong Marcos nang ilang segundo bago matapos ang 3rd quarter ng laro kagabi.


Sya ay nakasuot ng kulay asul na polo na tinernuhan ng asul ding face mask.

Kahit naman naka face mask ay bakas sa kaniyang mga mata ang tuwa habang pumapalakpak.

Ito ang final game ng August window kung saan naglaro ang Filipino American National at NBA superstar ng Utah Jazz na si Jordan Clarkson, sa kauna unahang pagkakataon sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang physical appearance ni Pangulong Marcos sa isang sports event bilang presidente ng bansa.

Ito rin ang ikalawang pagkakataon na nagpakita ng suporta si Pangulong Marcos sa Philippine Sports sa ikalawang buwan pa lamang nito sa pwesto.

Una na itong naghayag kamakailan ng suporta sa Filipinas Women’s Football Team na nanalo naman sa ginanap na AFF o Asian Football Federation championship.

Facebook Comments