Magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Cotabato City ngayong araw.
Siya ang panauhing pandangal sa inaugural session ng new Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament na gagawin sa Cotabato City.
Inaasahan ang presensiya ng pangulo sa napakahalagang okasyon mamayang alas-12:00 mamayang tanghali na kung saan ay sasaksihan nito ang inagurasyon ng BTA 2022-2025.
Dito ay inaasahang magbibigay ng kanyang talumpati ang pangulo sa harap ng 80 miyembro ng transition body na sa unang pagkakataon mula 2019 ay kakatawanin ng Moro Islamic Liberation Fronts at mga paksyon nito.
Isasagawa ang inaugural session matapos na makapanumpa sa Malacañang mahigit isang buwan na ang nakakalipas ang BTA members.
Ilan sa inaasahang sasaksi sa nasabing malaking event mamaya ang diplomatic corps at Ilan pang mga key leaders sa national at local level.