ASINGAN COMELEC TINIYAK NA MAGIGING MAINIT ANG LABANAN SA BARANGAY AT SK ELEKSYON 2022

20
Inaasahan na umano ng COMELEC Asingan na magiging mainit ang halalan pagdating sa Barangay at Sk Election ngayong taon.
Ayon kay COMELEC Asingan Officer Leny Masaoy nasa mahigit tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa Barangay at SK elections.
Nagpaalala din ito sa mga kandidato sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) mula October 6 hanggang October 13 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, nasa 40, 859 na registered voters ang lalahok para sa Barangay at SK Election sa bayan ng Asingan. | ifmnews
Facebook Comments