Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umaasang makakausap si US President Joe Biden sa Amerika

Hindi nawawalan ng pag-asa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkakaharap sila ni US President Joe Biden.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos Jr., sa kaninang Filipino Community event sa New Jersey Performing Arts Center.

Sinabi ng pangulo, mananatili ang pag-asa niya na magkakaroon sila ng bilateral meeting ng pangulo ng Estados Unidos.


Bukod sa hangad na makaharap si President Biden naniniwala ang pangulo na mas magiging maganda ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Amerika.

Dagdag pa ni Marcos, nananatiling malakas at lalakas pa ang bilateral relations ng dalawang bansa sa harap matagal ng pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Sa September 24 inaasahang babalik sa Pilipinas ang pangulo.

Facebook Comments