EMPLEYADO NG PANGASINAN PROVINCIAL HEALTH OFFICE, 100% BAKUNADO NG PRIMARY AT 1ST BOOSTER DOSE KONTRA COVID-19

25
Isang daang porsyento na ng empleyado ng Pangasinan Provincial Health Office ang nabakunahan ng primary at first booster dose ayon sa Ilocos Center for Health Development 1.
Sinabi ng Ilocos CHD1, 90 out of 90 sa kanilang empleyado ang may proteksyon na para sa malalang Covid-19.
Ang mga ito ay nagsisilbi umanong ehemplo para sa lahat dahil sa kagustuhan na magpabakuna.

Nagpaalala naman ang Ilocos CHD1 na magpabakuna ng booster dose na siyang karagdagang proteksyon sa sarili, pamilya at kaibigan.
Facebook Comments