Pangulong Ferdinand Marcos Jr., vineto ang panukalang nagpapalawig sa sakop ng prangkisa ng Davao Light and Power Co. Inc.

Ibinalik ng Malacañang sa Senado ang kopya ng House Bill 10554 na nagpapalawig sa franchise area ng Davao Light and Power Company, Inc.

Sa veto message, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaring makuwestyon ang ligalidad ng pagpapalawak sa sakop ng prangkisa ng nasabing kompanya.

Posible aniyang lumabag ito sa kasalukuyang prangkisa, permits at mga kontrata na dating ipinagkaloob sa North Davao Electric Cooperative Inc.


Sinabi ng pangulo na ang North Davao Electric Cooperative Inc., ay mayroong umiiral na mga prangkisa sa expanded franchise area na tatagal hanggang 2028 at 2033.

Ayon pa kay Marcos, ang panukala ay taliwas sa mga probisyon ng EPIRA na nagtatakdang ang lahat ng umiiral na mga prangkisa ay dapat payagan ng full term.

Magreresulta rin aniya ito sa pagpapawalang bisa sa prangkisa ng North Davao Electric Cooperative Inc., na labag sa non-impairement clause na nakasaad sa Section 10, Article 3 ng Konstitusyon.

Dagdag pa ng pangulo, ang pag-amyenda sa prangkisa ng iba para sa expanded area ay collateral attack sa prangkisa ng North Davao Electric Cooperative Inc., na taliwas sa doktrina ng prangkisa.

Facebook Comments