PNP, may apela sa mga rebelde

84

Nananawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga rebeldeng grupo na huwag gagalawin ang tropa ng pamahalaan na namimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sana naman ay makiisa ang mga rebelde dahil marami tayong mga kababayan ang nangangailangan ngayon ng tulong.

Kanina, tumungo na ang karagdagang pwersa ng PNP sa Northern Luzon para magdala ng relief goods at tumulong sa search, rescue and retrieval operations.


Ang pahayag ay ginawa ni Danao matapos ang ginawang magkasunod na pagpapasabog ng landmine ng New People’s Army sa Northern Samar nitong buwan na nagresulta sa pagkasawi ng 1 sundalo at nasa 10 sundalo rin ang sugatan na nakikibahagi lamang sa community support service.

Facebook Comments