Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling pinakamalaking problema pa rin ng bansa ang inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sa panayam ng Bloomberg Television, sinabi ng pangulo na patuloy pa ring nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang external shocks o mga isyu mula sa ibang bansa.
Gayunpaman, patuloy pa ring nilalabanan ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Maganda rin aniya ang ginagawang pagkontrol sa core inflation, bukod pa sa inflation ng mga produktong pang-agrikultura.
Naniniwala rin ang pangulo na hindi pa panahon para magtaas ng interest rates ang Pilipinas.
Dapat aniyang patuloy munang resolbahin ang external shocks para maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya.
Facebook Comments