Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos, bumubuti na ang kalagayan matapos tamaan ng trangkaso

Bumubuti na ang kalagayan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Marcos matapos tamaan ng trangkaso.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakararanas pa rin ng trangkaso ang first couple, kung kaya’t patuloy silang pinagpapahinga ng doctor.

Sabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, tuloy ang trabaho ni Pangulong Marcos kahit nasa bahay.


Tumatanggap din aniya ito ng mga mensahe at nagbibigay ng mga direktiba.

Inaasahan naman na agad itong babalik sa public engagements kapag may clearance na ng mula sa kaniyang doktor.

Facebook Comments