Pangulong Marcos Jr., dadalo sa gagawing Philippine Tourism Industry Convergence reception sa Pasay City

Mamayang alas-5:00 ng hapon nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Tourism Industry Convergence reception.

Batay sa anunsyo ng Malacañang, gagawin ito sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City.

Dadalo sa aktibidad sina Vice President Sara Duterte at Department of Tourism (DOT) Secretary Ma. Esparanza Christina Garcia Frasco.


Sa aktibidad inaasahang magbibigay ng talumpati ang pangulo.

Magkakaroon din ng Unity of Toast para sa Philippine Tourism at Video presentation kung saan highlight ang Cebu bilang Model for Local Tourism Governance.

Magkakaroon rin ng “Pasigarbo sa Sugbo” Cultural Performances.

Facebook Comments