BOC, kinumspiska ang mga nasabat na smuggled na asukal

Ipinakita ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mga nasabat nilang smuggle na asukal.

Ayon kay Ruiz, nagmula ang mga nasabing asukal sa bansang Thailand kung saan wala itong kaukulang dokumento.

Aniya, nasa 76 na container na may kabuuan na 1,906 metric tons ng asukal ang nasabat ng kanilang mga tauhan.


Kada container van ay may lamang 500 sako kung saan nasa P228 milyon ang kabuuang halaga nito.

Pinapurihan ni Ruiz ang kaniyang mga tauhan lalo na’t malulugi ang mga local producers sakaling mailabas ito sa merkado.

Agad na inisyuhan ng warrant of seizure and detention ang mga nasabing asukal kasabay na rin ng malalimang imbestigasyon para malaman kung paano ito nakapasok sa bansa at sino ang mga nasa likod ng pagpuslit nito.

Facebook Comments