Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Health (DOH) na pag-aralan kung maaari nang alisin ang COVID-19 state of calamity na mapapaso na sa Setyembre.
Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagtatapos ng state of calamity ay makakaapekto sa supply at paggamit ng mga bakuna at gamot para sa COVID-19.
Hindi na kasi aniya magiging wasto ang bisa ng Emergency Use Authorization (EUA) at ng Compassionate Special Permits (CSP) na inisyu ng Food at Drug Administration (FDA).
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na inabisuhan na nila ang FDA na alamin sa mga manufacturer ng COVID-19 vaccines kung handa na ang mga ito na mag-apply ng Certificate of Product Registration (CRP) na kailangan para maging commercially available ang mga bakuna.
Nauna nang nagdeklara ng COVID-19 state of calamity si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2020 at dalawang beses pinalawig hanggang Setyembre 12.