Naging abala ang ika-apat na araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nagpapatuloy na working visit nito sa Estados Unidos.
Sa sideline ng 77th session ng United Nations General Assembly sa New York nakipagkita si Marcos sa mga miyembro ng United States (US) – Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Council at US Chamber of Commerce para sa business dialogue.
Sa pakikipagkita ng pangulo, muli nitong binuksan ang Philippines’ priorities na una niya nang nabanggit sa kanyang talumpati sa 77th session ng UN General Assembly (UNGA) High-Level General Debate.
Kabilang din sa mga isinulong ni Marcos ang bilateral economic at investment agenda ng Philippine government.
Matatandaang na ang US-ASEAN Business Council ay isang premier advocacy organization na nag-o-operate sa loob ng ASEAN.