Dalawang mangingisda, nasagip ng Philippine Coast Guard sa Cavite

29

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na sakay ng isang bangka na bahagyang lumubog sa karagatang sakop ng Naic, Cavite.

Sa ulat ng PCG, nakilala ang mga mangingisda na sina George Gapate at Rodolfo Tulibas na kapwa residente ng Bagong Pook, Cavite City.

Nabatid na sakay ang dalawa ng M/BCA Mommy Yolls kahapon nang makaranas ng malaking alon habang patungo sa Labac na nagresulta naman ng pagkasira sa “hull” o ang gitnang bahagi ng kanilang bangka.


Agad namang rumesponde ang PGC Sub-station Tanza at nasagip ang dalawang mangingisda.

Sa ngayon, kinumpirma ng PCG na nasa maayos na ring kondisyon ang dalawang mangingisdang nasagip at nakatakda na rin umuwi ng kanilang bayan.

Facebook Comments