Pangulong Marcos Jr., panawagan sa SSS na ituloy ang magandang performance

“Keep up the good work.”

Ito ang panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ika-65 founding anniversary ng Social Security System (SSS) ngayong araw.

Sinabi ng pangulo, malaki na ang naiambag ng SSS sa bawat Pilipinong miyembro ng SSS dahil sa iba’t ibang program na ipinatutupad nito.


Lalo na aniya nang magkaroon ng pandemya naasahan ng mga miyembro ng SSS dahil sa mga ipinatupad na mga programa pang-ayuda

Nagpapatuloy rin aniya ang condonation program ng SSS sa mga miyembrong may utang na hirap magbayad katulad ng mga magsasaka at mangingisda.

Ayon sa pangulo, kailangang matulungan ang magsasaka at mangingisda dahil nakakatuwang ang mga ito ng gobyerno para pagtiyak ng food supply sa bansa.

Pinuri din ng pangulo ang mga partner ng SSS o itong SSS Balikat ng Bayan Awards para mas makapagsilbi sa mga employers at kanilang mga empleyado.

Facebook Comments