MGA KAWANI NG LGU ILAGAN, PATULOY ANG TUNGGALIAN

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ang pagtutunggali ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng LGU Ilagan sa isinasagawang Sportsfest na magtatapos sa ika-1 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Nasa kabuuang 3000 na mga empleyado ng LGU Ilagan ang kaisa sa Sportsfest sa pamumuno ni Ilagan City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz.

Ilan sa mga larong pinaglalabanan ay gaya ng Basketball, Baseball, Table Tennis, Chess, at marami pang iba na ginaganap sa tatlong venue kabilang ang City of Ilagan Sports Complex, City of Ilagan Community Center, at Ilagan City Hall.

Samantala, ipinapakita ng nasabing aktibidad ang pagkakaisa sa mga kawani ng LGU Ilagan na game na game sumabak sa mga palaro sa kabila ng init ng panahon at pagod sa paglalaro.

Facebook Comments