Pangulong Marcos Jr., pinulong ang ilang opisyal ng DOE

Nagpapatuloy ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang mahigit isang linggo nang siya ay pormal na maupo sa pwesto.

Kahapon ay pinulong nito ang ilang opisyal ng Department of Energy (DOE) sa Malacañang.

Sa kaniyang official Facebook page ay nag post si Pangulong Marcos ng ilang kuha ng larawan sa kanilang pulong.


Kasama niyang dumalo sa pulong sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo at Presidential Management Staff Chief Zenaida Angping.

Dalawang opisyal naman mula sa DOE ang dumalo sa pagpupulong.

Sa kaniyang post, sinabi ni Pangulong Marcos na masusi nilang tinalakay ang mga susunod na hakbang at magiging direksyon ng departamento.

Importante aniyang makausap ang mga taga-DOE dahil ito ang kasama ng gobyerno sa pagtugon sa mga problema ng bansa sa harap ng nararanasang pandaigdigang krisis dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

Hanggang ngayon, wala pang iniaanunsyo ang Malacañang kung sino ang susunod na kalihim ng DOE.

Facebook Comments