Cha-Cha, hindi ipaprayoridad ng Senado

Ayon kay incoming Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi kasama ang Charter Change o Cha-Cha sa magiging prayoridad ng Senado sa unang taon ng 19th Congress.

Para kay Zubiri, masyadong kontrobersyal ang Charter Change kaya mainam na huwag muna itong pag-usapan dahil kabago-bago pa lang ng Marcos administration.

Diin pa ni Zubiri, allergic ang taongbayan sa mga usaping pulitika lalo na pagdating sa panukalang pag-amyenda sa ating konstitusyon.


Giit ni Zubiri, mas dapat nilang pagtuunan ng pansin kung paano bubuhayin muli ang ekonomiya at paano iangat muli ang kabuhayan ng ating mga kababayan.

Sabi ni Zubiri, sa unang buong taon ay makabubuting pag-usapan nilang mga mambabatas kung paano masusuportahan ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ngayong may pandemya at marami pa ring Pilipino ang nahihirapan.

Facebook Comments