Pangulong Marcos Jr., tiwalang kakayanin ni Education Secretary VP Duterte ang reporma sa edukasyon

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakayanin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maisulong ang mga pagbabago sa edukasyon.

Ayon kay Marcos, ito ay para maihanda ang mga kabataan sa paghahanap ng trabaho.

Aniya, sigurado siyang maabot ni VP Duterte ang misyon na mabago ang sistema ng edukasyon sa PIlipinas.


Partikular na pinatutukan ni Marcos ang mga materials na ginagamit sa pagtuturo sa mga estudyante.

Nilinaw naman agad ni Marcos na hindi ang kasaysayan ang kaniyang tinutukoy.

Sa halip ay ang usapin sa science, pagpapaigting sa theoretical aptitude at vocational skills gaya halimbawa ng German.

Ngunit dapat din aniyang bigyan ng pantay na pagtrato ang national language na kapantay sa quality ng global language na dati nang mayroon ang Pilipinas pero nawala.

Dagdag pa ng pangulo na ang mga guro mula sa elementarya ay mga bayani na lumalaban sa kamangmangan.

Facebook Comments