Ilang tsuper, nakukulangan sa dagdag pasahe sa pampasaherong jeep

87

Kulang pa rin para sa ibang tsuper ang ipinatupad na dagdag na minimum fare sa mga pampasaherong jeep.

Kasunod ito ng inaprubahang 11 pesos na minimum fare ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa traditional jeep sa buong bansa at 13 pesos naman sa modern jeepney na epektibo na ngayong araw.

Ayon sa ibang tsuper, masyadong maliit ang naturang umento dahil sa walang humpay na pagtaas ng pangunahing bilihin at ng produktong petrolyo.


Anila, kahit halos buong araw silang mamasada ay hindi pa rin sapat ang naiuuwi nilang kita para sa kanilang pamilya.

Mababatid na sinabi ng LTFRB na pag-aaralan nito ang petisyon ng ilang transport group na limang pisong dagdag sa minimum fare sa jeep.

Facebook Comments