Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang makauwi at magretiro sa Pilipinas ang mga Pilipinong nagtatrabaho abroad.
Sa kaniyang pakikipagkita sa Filipino community sa Washington D.C., umaasa si Marcos ma sasalubong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang mas magandang paliparan, kalsada, internet at gobyerno pag-uwi nila ng bansa.
Ayon sa pangulo, nananatiling prayoridad ng kaniyang administrasyon ang kapakanan ng mga OFW.
Inanyayahan naman nito ang mga anak at apo ng mga Pinoy na naninirahan sa America na bumisita sa Pilipinas.
Si Marcos ay nasa limang araw na state visit sa America matapos imbitahan ni US President Joe Biden.
Facebook Comments