Pangulong Marcos, makikipagpulong kay Pres. Joe Biden sa kaniyang official visit sa US

Bibiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Washington, D.C. mula sa April 30 hanggang May 4, 2023.

Sa pagsisimula ng itinerary ng pangulo sa US sa May 1, magkakaroon ito ng pulong kay U.S. President Joe Biden na susundan ng expanded meeting ng ilang Cabinet officials.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa pagbisita ng pangulo sa US, inaasahang mas mapapaigting pa ang pagkakaibigan at bilateral relationship ng dalawang bansa.


Inaasahan ding mas lalalim ang political ties at mas mapagbubuti ang defense and security cooperation.

Sa pagbisita ng pangulo sa Estados Unidos, inaasahang mas mapalalakas ang ugnayan ng dalawang bansa sa mga usapin kaugnay sa agrikultura, enerhiya, climate change, digital transformation and technology, humanitarian assistance and disaster relief, supply chains, at imprastraktura.

“The trip will highlight the steadfast commitment by both sides to be reliable and resilient allies and partners in times of crisis and prosperity, amid a challenging global and regional environment,” ayon sa PCO.

Ang US ang pangunahing bilateral trade at official development assistance partner ng Pilipinas.

Facebook Comments