Pangulong Marcos, nagpasalamat sa  foreign dignitaries at diplomats na personal na sumaksi sa kanyang inagurasyon

Nagpaabot ng pasasalamat si President Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng mga foreign dignitaries at diplomats na bumati at personal na sinaksihan ang kaniyang inagurasyon ngayong araw.

Ilan lamang sa mga ito ang mga bansang Poland, Nigeria, at Australia.

Sa Vin d’Honneur na isinagawa ngayong hapon, binigyang-diin ng pangulo na ang transformation ng pandaigdigang ekonomiya ay nakadepende sa mga kaalyansa ng bansa, dahil ang mga partnership na ito aniya ang magpapatatag sa recovery ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Aniya, magandang simula para sa kaniyang administrasyon na makilala ang mga bansang kaalyansa ng Pilipinas.

Samantala, sa nasabing kaganapan muli ring binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan na lahat ng bansa ay tumugon sa climate change.

Habang kinilala ng pangulo ang alok na tulong ng mga bansang ito, kaugnay sa pagpapagaan sa epekto at adaptation sa climate change.

Sa nasabing kaganapan, pinangunahan ng pangulo ang toast, kasabay ng panghihilakayat sa iba’t ibang bansa na paigtingin pa ang kanilang pakikipagkaibigan sa Pilipinas.

Facebook Comments