Senator Zubiri, nanumpa rin ngayong hapon sa National Museum

67

Bilang isa sa mga nanalong senador para sa papasok na 19th Congress ay nanumpa na sa National Museum ngayong hapon si Senator Juan Miguel Zubiri sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Pinili ni Zubiri na manumpa sa tapat ng isang larawan ni Dr. Jose Rizal na bahagi ng National Museum.

Ayon kay Zubiri, bilang isang lingkod-bayan, ay gabay niya palagi si Dr. Jose Rizal, para sa kanyang tapang, talino, at pagmamahal sa bayan.


Kasama ni Zubiri sa kanyang oath-taking ang misis na si Audrey habang sumaksi naman ang kanyang mga kaibigan at kasaman sa Mataas na Kapulungan na sina Senate President Tito Sotto III, Senators Win Gatchalian, JV Ejercito, Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, at Erwin Tulfo.

Facebook Comments