Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Kasunod ito ng pulong ng pangulo kay Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo ng Japan sa Malakanyang.
Sinabi ng pangulo na nakababahala ang kilos ng North Korea na patuloy sa paglulunsad ng missile tests.
Mahalaga ayon kay Pangulong Marcos ang pagtutulungan ng mga bansa sa Asya para mapahupa ang tensyon.
“We consider it a critical issue that, really, we in the region must work together very, very hard to try to alleviate the tensions, to try to make all the proponents of peace in the region be the dominant voice.” ayon sa pangulo.
Samantala, binanggit ng pangulo ang kasunduan sa pagitan ng Japan at Pilipinas na hindi lamang bilateral basis kundi maging multilateral basis sa usapin sa West Philippine Sea.
Kinilala ng pangulo ang mahalagang kontribusyon ng Japan sa Pilipinas hindi lamang sa mga kagamitan kundi sa iba pang mga kasunduang nabuo sa pagitan ng dalawang bansa.