Anak ng Pinoy na kabilang sa mga nasawi sa Hawaii wildfire, kinumpirma ang pagkasawi ng kaniyang ama

Kinumpirma ni Joshua Galinato ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Alfredo Galinato sa wildfire sa Maui, Hawaii.

Sa kanyang Facebook post, kinumpirma rin ni Joshua na nakaligtas ang ina at mga kapatid.

Ayon pa kay Joshua, nasunog din ang kanilang bahay at sasakyan ng kaniyang namayapang ama.


Nagpasalamat naman ito sa mga indibidwal na tumulong sa kanila.

Ang 79 taong gulang na Pinoy ang kauna-unahang Pilipino na nakumpirmang namatay sa wildfire sa Hawaii.

Sa ngayon, mahigit isang daan na ang kumpirmadong patay sa naturang kalamidad.

Facebook Comments