Pangulong Marcos, nanindigan sa harap ng Australian Parliament na hindi ito papayag na maagaw ang kahit katiting na teritoryo ng Pilipinas

 

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap Australian Parliament na hindi siya papayag na maagaw o mawala sa Pilipinas ang kahit isang pulagadang teritoryo ng bansa.

Sa kaniyang parliamentary address sa mga mambabatas ng Australia kaninang umaga, anuman ang mangyari, dedepensahan nito ang soberenya ng bansa sa pagdating sa South China Sea.

Hindi aniya basta matitinag o bibigay ang Pilipinas pagdating sa usapin ng teritoryo.


Giit ng pangulo, patuloy na panghahawakan ng pamahalaan ang nakatakda sa konstitusyon sa karagatan o United Nations Conventions on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kaugnay nito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga mambabatas ng Australia na magkaisa sa gitna ng pinag-aagawang teritoryo na banta sa kapayapaan ng mundo.

Hindi aniya kakayanin tumayo ng iisang bansa laban sa mga malalaking bansa na may pagtutol sa rule of law.

Facebook Comments