Pasok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 100 Most Influential People ng TIME Magazine ngayong 2024.
Kinilala ng TIME Magazine ang mga hakbang ni Pangulong Marcos sa economic recovery matapos ang pandemya at ang pagsusulong nitong i-angat ang Pilipinas sa mundo.
Nakasaad sa 2024 TIME 100 issue, na sa gitna ng mga hamon ay sinisikap ng pangulo na maibangon ang bansa.
Pinuri rin dito ang paninindigan ng Pangulo sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas na West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng tumataas na tensiyon sa rehiyon.
Matatandaang nakapasok din sa 100 Most Influential People ng TIME Magazine ang iba pang mga lider ng bansa tulad nina dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong 2013.