Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa posibleng tama na idinulot sa irrigation system ng malakas na lindol kahapon.
Kaya nais niyang malaman kung may mga nasirang imprastraktura sa sektor ng irigasyon.
Hindi maiwasang mag-alala ng pangulo lalo pa at malapit na naman aniya ang panahon ng pagtatanim at sadyang kailangan talaga ang irigasyon sa mga bukirin.
Sa kasalukuyan, hinihintay ng pangulo ang reports ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa bagay na ito.
Si Pangulong Marcos ay tutungo ngayong araw sa Abra at iba pang lugar sa Northern Luzon para personal na makita ang sitwasyon ng mga nakaranas ng malakas na lindol.
Facebook Comments