Sugatan sa Lindol sa Abra, Higit 100; Mahigit 7k Pamilya ang Apektado

13
Umabot na sa 105 ang naitalang sugatan kasunod ng nangyaring lindol ayon sa report ng PDRRMC Abra dakong alas-10:25 kagabi.

Ang labing walong sugatan ay ginagamot sa Abra Provincial Hospital.

Kaugnay nito,7, 532 na pamilya mula sa pitong bayan ang apektado ng paglindol.

Samantala, 1, 125 pamilya ang inilikas sa mas ligtas na lugar.

Nakapagtala naman ng 99 government buildings na nasira, 5, 215 na residential houses at pitong commercial buildings.

Patuloy pa rin ang isinasagawang assessment sa nangyaring pinsala ng lindol.

Facebook Comments